Wednesday, December 26, 2007
Aralin 4: Yamang Tao
Kahulugan- Isa sa mga pinagkukunan yaman ng mga tao katulad nito ay lakas-paggawa. Napakahalagang salik ang yamang tao sa pag-unlad sapagkat sa kanila nakasalalay ang wastong paggamit ng likas-yaman tungo sa pangkalahatang kaunlaran.
Katangian- Mabilis na paglaki ng populasyonMerong 2.2 hanggang 2.45 bahagdan ang bilis ng paglaki ng populasyonBatang populasyonAng bilang ng mga batang wala pang 15 taon gulang ang bumubuo sa 37.6% ng populasyon
Pangangailangan- Tatlong pinakamahalaga (Pagkain, Tirahan at Damit)Pagkain- kailangan ng tao ang sustansya na nanggagaling dito ng sa gayon ay magawa ng isang tao ang gagawin niya sa pang-araw araw na buhay. Ito ang mga pagkain na mayaman sa carbohydrates, protina, mineral at bitamina. Tirahan- pangalawang pinakamahalaga na pangangailangan ng tao. Ito ang nagsisilbing silungan sa araw at tag-ulan.Damit- Pangatlo sa mga kailangan ng tao. Hindi mahalaga ang uri ng tela kundi ang pagbibigay nito ng proteksyon sa katawan.
Mga iba pang pangangailangan:
- Edukasyon,
- Serbisyo
- Pasilidad ng pangkalusugan
- Maayos na sistema ng transportasyon
- Komunikasyon
Aralin 7: Mga OFW
Dahilan ng pag alis | Epekto | Solusyon |
Kakulanagan sa trabaho | Malalayo sa pamilya | Pag-unlad ng ekonomiya |
Mababang sahod | Maaring maging malayo ang loob ng mga anak. | Dagdag sahod sa mga manggagawa |
Nagbabakasakaling mas gaganda ang buhay kapag nakapag-abroad at doon makakaipon ng sapat nap era para sa pamilya | Mas dadaming manggagawa sa ibang bansa at makikinabang sa kakayahan ng mga Pilipino | Pag-papaunlad ng mga trabaho upang bumaba ang bilang ng mga taong walang trabaho |
Mahinang ekonomiya | Mauubos ang mga manggagawa dito sa Piipinas na higit nangangailangn ng mga magseserbisyo sa bansa. | Pag-papatayo ng mga mahahalagang programa ng pamahalaan para sa mga kababayan nating Pilipino upang hindi nila maisipang mangibang bansa. |
Aralin 11: Mga Teorya Ukol sa Pangangailangan
Mga Teorya | Kahulugan o Deskripsyon | ||
---|---|---|---|
Teorya ng Baitang na Pangangailangan | *Inuri ni Abraham H. Maslow, isang sikologo, ang pangangailangan ng tao, mpa pisyolohikal, seguridad, pagmamahal, pagpapahalaga at pagtupad ng hangarin. |
Batayan ng Kaunlarang Pangangailangan | *Ayon kay Michael Todaro, isang ekonomista, may tatlong pangunahing kanais nais na katangian ang maunlad at progresibong bayan.
|
Batayang Empirikal | *Nagpapaliwanag sa mga pangngailangan ng tao at Itinuturing na mahalagang mithiin at layunin ng isang masaganang pamumuhay ang mga ito, gagawa ng mga paraan ang mga tao upang matugunan ang mga panlipunang layunin. |
Aralin 12: Alokasyon at Pagkonsumo
layunin=> naglalayon ang alokasyon na matugunana ang pangangailangan ng konsyumer at prodyuser sa tulong ng pamilihan sa mga kapitalistang bansa.
Pagkonsumo=> pagbili o paggamit ng isang bagay o paglilingkod na makakapagbigay ng kasiyahan sa mamimili o tagagamit.
=>tumutukoy sa paggamit ng produktong pang-ekonomiya at personal na serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng tao.
Aralin 13: Mga Uri ng Pagaanunsyo
Uri | Katangian |
Brand | *Ang brand o tatak ng isang produktong kilala na o matagal ng pinagkakatiwalan ng mga mamimili ay matagal ng ginagamit sa pag-aanunsyo dahil madali itong makaakit ng atensyon. |
Testimonial | *Binabayaran ang mga kilalang tao tulad ng nga artista, pulitiko at sikat na manlalaro upang mag-endorso ng isang produkto. |
Scary | *Ipinakikita dito ang mga negatibong bagay na maaaring mangyari kung hindi tatangkilikin ang produktong ipinakikita sa anunsyo |
Bandwagon | *Ipinakikita sa anunsyong ito na marami ng taong gumagamit at nagtitiwala sa produkto upang mahikayat ang iba na tangkilikin na rin ang produkto. |
Tuesday, December 25, 2007
Aralin 18: Presyong Ekwilibriyum
- Kapag pinagsama ang kurba ng suplay at demand, lumilitaw ang konsepto ng ekilibriyo. Ito ang kalagayan ng pamilihan na magkatugma ang pwersa ng demand at ng Suplay. Sa gayon, wala nang tawarang magaganap at walang mamimili o negosyanteng mabibigong bumili o magbibili sa umiiral na presyo.
- Iba-iba ang dami ng pangangailangan ng mga mamimili at ang dami ng suplay na handang ipagbili ng mga prodyuser sa iba ibang presyo.
Aralin 19: Mga Anyo ng Pamilihan
Ganap na Konpetisyon | Monopolyo | Oligopolyo | |
Katangian | Malayang kalakalan sa Pamilihan | Walang Kompetisyon | Hindi Lubos ang Kapangyarihan ng Oligopolista Dahil isasaalang-alang ang desisyon ng kapwa Oligopolista |
Maraming mamimili at nagbibili | Nag-iisa ang nagbibili ng Produkto | Kompetisyon sa Presyo | |
Magkatulad na Produkto | |||
Malayang paggalaw ng mga Sangkap ng Produksyon | Ang mga produkto na ipinagbibili ay walang kauri kaya madali nilang makontrol ang Demand |
Aralin 20: Mga Salik sa Pagtatakda ng Presyo
- Price Act
-> Guaranteed Price to Farmers o farm support price kung saan malimit na bumibili ng palay sa mga magsasaka ang pamahalaan sa itinakdang halaga.
- Price Control
-> Sa panahong normal ang sitwasyon ng kalakalan, nagtatakda ng presyo ayon sa kalagayan ng demand at ng suplay ng produkto. Gumagawa rin ng paraan upang makontrol ang pagtaas ng presyo kapag panahon emergency.
- Price Ceiling
-> Isang sistema kung saan itinatakda ng pamahaalaan ang maaaring maging pinakamataas na presyo ng isang produkto.
- Price Stabilization
-> Pagpapatatag ng presyo bilang solusyon ng pangangalaga sa mga mamimili sa pagtaas ng presyo. Dahilan na rin ng pabagobago ng ekonomiya, madalas din nitong naaapektuhan ang mga produkto.
- Black Market
-> Dahil sa kakulangan sa suplay, may mga mapagsamantalang tindera na palihim na nagbibili ng produkto sa higit na mataas na presyo kaysa itinakda ng pamahalaan.