Kahulugan- Isa sa mga pinagkukunan yaman ng mga tao katulad nito ay lakas-paggawa. Napakahalagang salik ang yamang tao sa pag-unlad sapagkat sa kanila nakasalalay ang wastong paggamit ng likas-yaman tungo sa pangkalahatang kaunlaran.
Katangian- Mabilis na paglaki ng populasyonMerong 2.2 hanggang 2.45 bahagdan ang bilis ng paglaki ng populasyonBatang populasyonAng bilang ng mga batang wala pang 15 taon gulang ang bumubuo sa 37.6% ng populasyon
Pangangailangan- Tatlong pinakamahalaga (Pagkain, Tirahan at Damit)Pagkain- kailangan ng tao ang sustansya na nanggagaling dito ng sa gayon ay magawa ng isang tao ang gagawin niya sa pang-araw araw na buhay. Ito ang mga pagkain na mayaman sa carbohydrates, protina, mineral at bitamina. Tirahan- pangalawang pinakamahalaga na pangangailangan ng tao. Ito ang nagsisilbing silungan sa araw at tag-ulan.Damit- Pangatlo sa mga kailangan ng tao. Hindi mahalaga ang uri ng tela kundi ang pagbibigay nito ng proteksyon sa katawan.
Mga iba pang pangangailangan:
- Edukasyon,
- Serbisyo
- Pasilidad ng pangkalusugan
- Maayos na sistema ng transportasyon
- Komunikasyon